BAKIT ASENSO ANG INTSIK KAYSA PINOY?

chinese

Bakit nga ba?  Ito ang aking tinanong sa aking matalik na kaibigan, isang intsik na lumaki sa Pilipinas.  Naka-eskwela ko siya sa colegio ilang taon na ang nakaraan.  Minsan, binisita ako sa aking pinag-tatrabahuan, sa Bilibid, Muntinlupa.  Nagulat din ako nang makita ko siya.  Singkit pa rin ang kanyang  mata.

“Pareng Gol, kamusta ka na?  Ano balita?” 

Sagot niya, “Heto, wala akong magawa sa tindahan kaya naisip kitang pasyalan.”

Sabi ko, “Teka baka naman may nabilanggo kang kaibigan o kapitbahay, nahiya ka pang sabihin.” 

“Iyan ang nasa-isip ko, bilangguan.  Kaya kita pinuntahan para alukin kita ng negosyo.  Baka gusto mong maglagay ng maliit na kainan dito sa bilangguan.”

Hehehehe, langhiya ka pare, hindi ko linya yan, hehehe.  Ano kaya kung yayain kitang kumain na lang, madami ditong kainan sa paligid.  At sya nga pala, meron din akong tatanungin, yun eh kung sasagutin mo, kasi may gusto akong malaman na sikreto na pawang lahi ng ka-intsikan lang ang makakasagot.”

Tumuloy kami sa isang maliit na tindahan na kung saan may dalawang lamesang maliit.  Umorder ako ng dalawang instant coffee.  Matapos ang ilang kamustahan sa pamilya at ilang tanong sa kasalukuyang pinagkaka-abalahan, muli kong binanggit ang aking tanong.

“Pareng Gol, bakit ang intsik madaming pera kaysa Pinoy?

“Totoo yan, hehehe kasi hindi kayo marunong humawak ng pera! Hehehe”

“Ano naman ibig sabihin nun?”

“Heto pareng Ven, isang halimbawa.  Ako intsik, ikaw Pinoy.  Pareho tayong gutom at pareho tayong gustong kumain kaagad.  Merong isang kainan na makakapawi sa ating gutom.  Pareho tayong may isang daang piso sa bulsa.  At tyempo naman na sa kainan ang isang meal na masarap ay halagang isang daan piso din.  Ikaw pare, ano gagawin mo?”

“Eh di, kakain, gutom yata ako, hehehe.”

“Eh di ibabayad mo yung pera mo, kasi sakto lang yun, tamang tama.”

“Siempre naman pareong Gol, wag mong sabihin na hindi ka kakain, hehehe.”

“Sasabayan kita pareng Ven sa pag order at pagkain. Parehas lang.  Pero ang oorderin ko ay uutangin ko.  Alam mo sa amin, lahat ng konsumo inu-utang.  At kung may pera kami, ito ay pina-iikot, pinalalago.  Yung isang daan ko sa bulsa, sa halip na ibayad ko, pagugulungin ko yun.  Kaya pag gumulong ang pera, may bente porsyentong balik iyun, minsan nga doble pa, depende.  Ipag-palagay natin na bente porsyento nga, eh di yung isang daan ko, kalaunan ay isang daan at bente pesos na.  Babalikan ko kagad yung tindahan at babayaran ko yung isang daan na halaga na kinain ko.  Kalaunan wala na isang daan piso mo pareng Ven, ako naman may bente pesos pa. hehehe”

“Oo nga ano.”

“Alam mo pareng Ven, importante sa intsik ang pagbabayad ng utang, hindi kami pumapalya sa ganyang sistema, kaya miski sa palara ng papel nakasulat ang intensiyon naming umutang, bigay kagad.  Hindi tulad ng ibang Pinoy, bago pautangin may prenda muna o di kaya katakot-takot na papeles ang pipirmahan at bukod dun may mga witnesses pang dapat lumagda, may imbestigasyon pa bago magbigay ng pautang.”

“Oo nga…”

“Kasi kung makaka-iwas lang magbayad ng utang, gagawin yan, kaya naniniguro lang yung nagpapa-utang na siya ay hindi masuba, hehehe.”

“Ibig mong sabihin pareng Gol, ang asenso ng intsik ay dahil sa utang?  Yan ba ang sikreto ninyo.?”

“Hindi sa utang pareng Ven, kundi sa tiwala.  Yun ang sikreto namin.  May tiwala kami sa isat’ isa.”

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on December 14, 2012, in Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: