BAKIT MASARAP MAGLUTO NG ULAM ANG INTSIK AT IBA PA

chinese cooking

High school pa lang, karamihan ng kaklase ko sa FEU ay intsik.  Grupo sila kung gumalaw at bihirang maki-halubilo sa hindi nila kalahi.  Pero sa loob ng classroom, halos magkakatabi kami kasi ang apelyido nila nagsisimula sa huli ng alpabeto kamukha ng sa akin.  Ako ay Tesoro, kaya obligado katabi ko ang Te, Ty, Shih, Sy at Toh.  Sa loob ng ilang taon, palibhasa naririnig ko sila palagi, natuto na rin ako magsalita ng intsik.  Nauna kong natutunan kung paano sila magmura.

Napasama na rin ako sa kanila, kaya pagkatapos ng klase, iniimbitahan na rin nila ako sa pag-uwi o sa pamamasyal.  Karamihan sa kanila ay mahina ang loob at madaling matakot.  Diyan nila ako inaasahan kasi bukod sa malakas ang loob ko, medyo makapal din ang mukha ko lalo na kung nahihiya silang kumilos.  Tiope sila sa harap ng babae, samantalang ako madaling makipagkilala.

Naging malapit at itinuring din nila akong kapanalig.  Halos lahat sila ay Buddhist kaya sa pakikisama, nakihalo na rin ako sa kanilang pagsamba.  Marami akong natutunan sa kanila lalo na sa larangan ng paghihiganti, pagnenegosyo at pagluluto.  Kasi naman pag sinabing lutong intsik masarap.

Lagi ako nakatambay sa kanilang pwesto sa Divisoria pagkatapos ng klase.

Isang araw habang nilalantakan ko ang inihain sa aking Mami at siopao, naitanong ko sa kanilang nanay, kung paano magluto ng ganoong kasarap na pagkain.

“Hindi ko yan niluto Ven, binili namin yan sa Ma Mon Luk, hehehe.”

“Bakit po masarap magluto ng mami si Ma Mon Luk?”

“Alam mo anak, noong araw sa tsina, nahahati iyon sa maraming kaharian.  Sa isang kaharian, nagsawa ang isang hari sa mga hinahanda sa kanyang pagkain.  May nag-suggest sa kanya na ipatawag lahat ng magagaling na nagluluto at bigyan ng sampol na ulam ang hari.  Naka-isip ng paraan ang hari.  Sabi niya, magpatawag siya sa buong kaharian ng pinaka-magagaling na cook at yung mapipili ay bibigyan ng isang bahagi ng karaharian para pamunuan.   Bibigyan din iyon ng kayamanan at mga piling tauhan bukod sa karapatang magkaroon ng madaming asawa.  Meron nga lang pagkakaiba sa contest.  Ang matatalo ay pupugutan ng ulo. Hehehe”

“Ay, hehehe.”

“Ganun pa man, madami pa rin ang lumahok.  At taon-taon may nananalo.  Iyon nga lang, madami din ang napupugutan ng ulo.  Nabalitaan iyon ng ibang kaharian, kaya sila din nagbuo ng ganung patimpalak.  May nananalo, pero madami din ang natatalo.  Palibhasa pinupugutan ang talunan, ang natitira na lang mga magagaling magluto, kaya ayun, sa salin lahi, naipapasa ang pamamaraan sa tama at masarap ng pagluluto.  Kaya meron tayong naririnig diyan na masarap na pagkain na lutong Macao, lutong Mandarin, lutong Hongkong, at iba pa.  Ang sikreto sa pagluluto ay hindi binubunyag, kaya tumatawid lang iyon sa isang lahi.”

“Ang galing naman po, hehehe/”

“Ganun din ang yaman.  Hindi pinapayagang lumabas sa clan, kaya noong araw, hindi nakakapagtaka na ang nagkaka-asawahan ay pawang magkakamag-anak lang.  Mana-mana ang lahat.  Pati sa paghihiganti, pinamamana din yan.”

“Paano po yun Manang?”

“Kung ang isa ay inagrabyado, at sa palagay niya na nakatataas ang katungkulan o kapangyarihan ng umagrabyado sa kanya, siya ay mananahimik na lang.  Pero pagsasabihan niya ang kanyang anak na magsumikap at piliting umasenso kaysa sa umagrabyado sa kanila ng sa ganun ay makabawi at makapaghiganti sila.  Salin lahi na yan.  Hanggang sa ka-apo-apuhan, hanggang sa makabawi sila.”

“Sa aming lugar po, gusto namin gera kagad, bawian kagad.  Wala kaming tiyaga mag-tiis at mag-antay.”

“Kaya tuloy sa larangan ng negosyo bihira sa ganung paraan ang magtagumpay.  Gusto makita kagad ang tubo, hehehe.”

“Hindi pala lahat puro puhunan ang kelangan…”

“Ang negosyo kasi tiyagaan.  Kahit ano pang gawain, lahat nasa tiyaga at sakripisyo, puro pagtitipid sa sarili, puro disiplina.  Ang hindi dapat tipirin at isakripisyo yung pakisama.  Pero dapat pipiliin din yung pakikisamahan. “

“Ganun po ba iyon?”

“Pero sa lahat ng pagkakataon, ang dapat mong bantayan ang sarili mo.”

“Hehehe salamat po ‘nang.  Sige po, lagi ko yan tatandaan.”

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on December 15, 2012, in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: