MAHINA NA SI KA PEDRING

old man

Nag retire sa pribadong serbisyo si Ka Pedring bilang isang supervisor sa isa sa pinaka-malaking pataniman ng saging sa Davao del Norte.  Lumampas na ang panahon na kung saan siya ay nabibilang sa mga sikat at mahigpit na taga-matyag ng mga laborers—- na kanyang kasamahan—- sa farm.  Palibhasa nga at siya’y strikto, hindi siya naging popular sa nakararaming trabahador.  Pero ganun ang kanyang trabaho at kung eestapahin niya ang trabaho, hindi naman siya tatagal at tyak siya ay matatanggal.  Kaya ayun, si Ka Pedring, mistulang litrato ng isang mapanuri at mapagmasid na farm supervisor.

Ilan taon din siyang nanilbihan sa pribadong kumpanya at yun naman ay nabiyayan siya ng isang paghanga.  Nang siya ay magretire, kumpleto ang kanyang benepisyo at pribilehiyo.  Yun nga lang, hanggang sa kasalukuyan, ilap ang kanyang mga dating kasamahan at wala siyang gaanong naging malapit na kaibigan.

Si Ka Pedring ay may gulang na 62 ngunit sa kangyang pag-iisa at bihira na ngang lumabas sa kanilang kabahayan, siya ay mapagkakamalang 92 na!  Matuwid pa rin ang kanyang tindig ngunit pahukot na siya kung lumakad.  Mukhang malusog at walang high blood pa si Ka Pedring, pero malagum ang kanyang paghinga, animoy may hika.  Palibhasa wala na siyang pinagkaka-abalahan, buong araw siyang nakasalampak sa isang sulok na lang at ang kanyang bihis ay bihirang mapalitan.  Araw-araw ang kanyang galaw ay madaling hulaan.  Naka-shorts at sando lang siya.  Matapos buksan ang unahang pintuan nila, magtitimpla na siya ng kape at duon sa likuran ng bahay, na may nakalundong lubid na duyan, ay kanya  itong sasampahan na.  Duon ipagpapatuloy muli ang kanyang pag mumuni-muni hanggang sa mawalan ng malay sa himbing ng tulog.

Ang asawa ni Ka Pedring ay retired na teacher kaya wala na rin ginagalawan bukod sa minsanang pagtanggap ng bisita na kapwa retired na rin sa pagtuturo.  Tatlo ang kanilang anak na pawang may mga pamilya na rin.  Bumukod na ang dalawa at ang pananay na lang ang kasama nila sa bahay.  Ito ay nagta-trabaho kaya sa gabi na lang sila nagkikita buong pamilya.  Sa loob ng isang araw, mayroon silang tigi-tig-iang mundong pinamumugaran.

Tuwing hapon andun si Ka Pedring.  Naalala ko tuloy ang aking Tatay.  Pero nagka-ganun din si Tatay nung siya ay umabot sa 85 years old.  Nung kasing edad niya si Ka Pedring, matikas na professor si Tatay at bukod sa namamasahe papunta iskwelahan, ina-akyat niya classroom niya sa ika-11 palapag ng building!  Ganun siya kalakas at kasigasig.  Pero si Ka Pedring, sa tingin ko, maka-11 hakbang lang, gusto na uling humilatsa at umidlip!

Malakas makapanghina ang retirement lalo na kung wala itong kasamahang ganun din ang sitwasyon na nakaka halubilo ng regular.  Pawang mga lumang tugtugin na lang ang nagbibigay sigla sa kanya.  Palibhasa naka ugalian na ang maging strikto, pati ang kanyang asawa ay andap na rin siyang kibuin.  Hinahayaan na lang siyang umugoy-ugoy sa isang sulok, miski na papakin pa siya ng lamok na mistulang may buto na sa laki.

Si Ka Pedring, aking kapitbahay, minsang kong nakapalagayan, at palibhasa minsa’y humingi ng tulong, ay mailap na kumilos.  Siguro akala niya maniningil ako kaya pinili na lang niyang umiwas at magpanggap na may karamdaman.

Sa ganyang paraan, tyak baka siya mahipan ng hangin at matuluyan na ang kanyang panghihina.

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on December 18, 2012, in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: