“WIN SOME, LOSE SOME”

winsome

Ikaw ba ang taong madaling mabuwiset sa kapaligiran?  Madaling mapundi sa mga nakaka-inis na nangyayari? Well, here is one expression that you can use, “win some, lose some.”  Minsan panalo, minsan talo.  Kapag ang pakiramdam mo ay dapat ng kalusin and isang bagay o pagkakataon at ikaw ay about to explode, then think about the expression, win some, lose some.  You may be a bit agitated for something incongruous, yung bang wala sa hulog, iba ang inaasahan mo, iba naman ang nangyari, contributing to your frustration, then think:  win some, lose some.  Subukan mo lang at magbabago pakiramdam mo.

Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ang iyong inaasahan ay nangyayari.  Kalimitan nga ay kabaliktaran pa nga ang nagaganap.  Ang inaasahan pa nga natin minsan ay simpleng bagay pero kalimitan ang nangyayari ay kumplikadong sitwasyon.    It’s a regular feat, an ordinary matter, something that could be determined and understood, yung nga lang ang paniwala natin ang nakahadlang.  Dun tayo napupundi at nawawala minsan ang pasensiya.  Kaya kung may ganyang kalagayan, hindi nakakapagtaka kung merong mag-wild o maghuramentado.  Mahirap talaga naman abutin ang isang bagay lalo na kung ito ay minamadaling gawin.  That alone can cause depression.  For lack of patience, at times one becomes dissatisfied and disturbed.  Diyan na papasok ang gulo sa isipan at gulo din sa samahan.

Lalo na sa loob ng bahay at gayundin sa samahan ng magkakaibigan.  Nakikita ng isat-isa ang kahinaan ng bawat isa.  Dun na papasok ang hindi pagkaka unawaan.  Nawawala na ang neutrality o objectivity.  Lagi na lang may mapupuna.  Lagi na lang may masisisi.  Lagi na lang may pag aawayan.  Nakalimutan na ang bahagi na kung saan may pinag-samahan.  Nakalimutan na rin ang nagdaang magandang pagtutulungan.  Sa pagkakataong iyon, dapat isipin ang win some, lose some.  Maging maunawain, maging malawak ang pagtingin, talagang ganun, minsan panalo, minsan naman talo.  Hindi dapat asahan na sa lahat ng pagkakataon laging panalo.  Ang buhay ay ganun, walang pirmis na bagay.  Changes happen.  Sabi nga, life is constantly changing.  To a certain degree or extent nga life is even evolving.

Kaya dapat huwag alisin sa ating isipan na ang umiikot sa ating kamalayan ay bahaging kontrolado natin at bahaging hindi natin natutuos.  Sa mga pagkakataong kontrolado natin, tiyak ang panalo natin.  Pero sa bandang hindi natin masakop, malamang ang pagkatalo o kaya hindi natin maabot kundi sa larangan lang ng pag-unawa.

Meron ngang kasabihan na tatlong bagay ang ating magagawa sa paglutas ng problema.  Una ay ang tapusin ito kagad.  For example, uhaw ka.  Eh di uminom ka kagad, pawi na uhaw, tapos na ang problema.  Ikalawa, ang tiyagain ang pagtapos ng problema.  Halimbawa, gusto mo maging doctor, eh di seryosohin mo ang iyong pag-aaral nang sa ganoon isang araw ikaw ay maging ganap na doctor.  Matagal na proseso, magastos pero nasa pagtitiyaga ang solusyon ng problema.  Ikatlo naman ay ang pagharap sa isang problemang walang solusyon kundi sa larangan ng pag tanggap.  Sabi nga, you have to live with your problem.  Halimbawa, gusto mong malaro sa NBA, eh sadyang maliit ka, maliit pa katawan mo.  Miski mataas kang tumalon, magaling kang mag-dribble, impossible kang maging basketball player sa NBA.  Mabuti pa mag-chess ka na lang and live with the problem until you realize that you have other matters to preoccupy yourself.

Napakaraming pagkakataon o sitwasyon sa atin na nagbibigay ng kalungkutan.  Isipin mo rin na napakadaming pagkakataon o sitwasyon sa atin na nabibigay ng kaligayahan.  Minsan ang katulong aanga-anga at paulit-ulit mong ituturo ang dapat gawin.  Hanggang sa mabuwiset ka.  Talagang ganun.  Isipin mo kung matalino yan, baka isang araw siya na ang amo mo.  Ganun din ang kaibigan.  Minsan mahina pick-up.  Isipin mo kung matalas isipan niyan baka gawin ka namang uto-uto balang araw.  Meron naman ikaw na kasama na halos matuklap na ang tenga mo sa lakas ng boses pero sa isang banda, wala namang makaporma sa iyo sa takot na mabulyawan ng kasama mo.  Ganun talaga.

Kaya nga win some, lose some.

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on December 20, 2012, in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: