PASKO SA AMING BAYAN

xmas in prison

Iba’t ibang bansa lalo na sa nasaskupan ng Kristianismo ay may taglay na tradition pag sapit ng kapaskuhan.  Ganun din sa mga pamayanan at sa mga kabahayan.  Miski sa barkadahan ay mayroon ding kaka-ibang sinusunod na panuntunan.  Sa loob ng bilangguan, sa mga ospital at sa malalayong kanayunan, ang pasko ay may sari-saring kahulugan.

Sa mga pilosopo, tatlo daw ang pasko.  Pasko ng kapanganakan, pasko ng pagkabuhay at pasko ng intsik.  Depende daw sa kung kailan may konting naitabi duon sila magse-celebrate.

Pero halos isa lang ang mukha ng pagdiriwang.  Andiyan na paglustay sa naipon o sa bonus na natanggap.  Kaya naman pagsapit ng kapaskuhan halos lahat ng tindahan nagse-sale, ang mga tao magalaw at samo’t saring bagay ang nagkalat at naglipana sa kalye.  Kasabay niyan ang pag-ikot ng katakot-takot na character—pulubi, mandurukot, mandurugas, taong grasa, palaboy, pick-up boys, pick up girls at kaugnay niyan ang salo-salong pamamaraan kung paano kumita ng biglaan.

Sa isang banda naman, andiyan ang mga grupo na nagkakasayahan.  Nag-iinuman.  Nagpapapak ng mga exotic na kutkutin—baboy damo, usa, igat, talaba, bayawak,sawa, sa ilang banda naman, may deep fry na grasshopper (parang Thailand).

Kaya naman hindi pa natatapos ang selebrasyon ng kapaskuhan, halos puno na ang emergency ward ng ospital.  Katakot takot na kapansanan din ang andun—nalason sa pagkain, na-stroke, na-high blood, inatake, pero kalimitan nasaksak, nabaril o naitak.

Sa may mga maykaya naman, andiyan ka minsan sa tumaob (o mabangga dahil sa kalasingan ng manibela) ang kanilang sasakyan na humaharurot sa kalye, yun eh kung hindi sila nagpasyal sa abroad o di kaya nagbakasyon sa isang beach resort sa  namumukod tanging kilalang isla o tabing dagat.   Hindi sa may halong kayabangan kundi sa sobrang ligaya at kasiyahan kung minsan nalilimutan na ang pag-iingat.  Hindi lamang sa sektor na ito kung hindi sa kabuuan, sa halos pangkalahatan.

Ang pasko ay minsan lang sa isang taon mangyari.  Kaya ito ay pinag hahandaan, pinagkaka-abalahan, pinag-iipunan, ina-antay.  Sa mga kabataan, ito ay isang makasaysayang panahon.  Sa mga nakatatanda naman ay isang senyales na ilang panahon na lang natitira sa kanila.

Personally, marami na rin akong pasko na malayo sa aking pamilya—bilang lang ang mga pagkakataon na kung saan nasa tabi ako ng aking magulang at pamilya.  Pero sa mga pagkakataong iyon naman nasa piling ako ng aking nasasakupang pamayanan ng bilangguan.  Sila na itinaboy ng lipunan, sila na ipiniit ng katarungan upang magdusa sa labas ng malayang pamayanan.  Sila ang aking kasama sa isang pagkakataon, sa isang panahon na nag uugnay at nagpapa-alala ng pagkakaisa sa loob ng isang kapalaran na nagbubukas ng pag-asa sa kaisipang pagbabago.

Kasama nila akong uma-asa at nagdarasal at nagsisisi sa nagawang hindi makatarungan.  Yan ang katumbas ng kapaskuhan ng ginagalawan naming lipunan sa bilangguan.

 

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on December 22, 2012, in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. It’s awesome in favor of me to have a site, which is beneficial for my experience. thanks admin

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: