ANOTHER OVERHEARD CONVERSATION

noy vs binay

Sa isang makasaysayang sulok ng Maharlika Hall sa Palasyo ay nagpulong at nagkaharap din ang dalawang pinaka mataas at pinag pipitagang pinuno ng bansa.  Sila ay kapwang naka Barong na gawa sa pinakapiling jusi at may hawak silang cocktail glass na may lamang pinaka mamahaling alak na inangkat pa sa Europa.  Pakinggan natin sila.

VP BinayPalpak! Manhid!

PNoyTyanak!  Ganid!

VP Binay:  Abnoy!  Kalbo!

PNoy:  Nognog!  Bugok!

*     *     *     *     *

Mar Roxas:  Espesyal ka lang sa mata ng Tatay mo!

Mayor Binay:  Wala namang boboto sayo miski si Korina!

Mar Roxas:  Dito sa Pinas, lalo na sa Makati ang mataas na sinusunod ay Batas lamang!

Mayor Binay:  Sa administrasyon ninyo ang alam kong mataas ay yung kilay lang ninyo!

*     *     *     *     *

Taong Bayan:  Hindi po kami nagtataka kung bakit pati bigas natin ay gawa na rin sa plastic.

Gobyerno:  Pa-iimbistegahan namin yan!

Taong Bayan:  Paano kami maniniwala nitong puro naman kayo plastic!

*     *     *     *     *

Estudyante A:  Ang monumento ni Rizal sa Luneta ay tinabihan ng isang malaking gusali!

Estudyante B:  Anong masama dun?

Estudyante A:  Isang paglapastangan yun sa ating bayani!

Estudyante B:  Eh bakit walang uma-angal sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan, andun sa harap pa ng rebulto niya may mga nagtitinda ng pisbol at ukay na pantalon!

*     *     *    *     *

Anak:  Sabi po ni Sister Edna, lahat daw po ay gawa ng Panginoon.

Tatay:  Totoo yun anak.

Anak:  Eh bakit nakalagay sa lahat ng gamit natin dito sa bahay ay “Made in China!”

*     *     *     *     *

Vice Ganda:  Ako si Madam Bertud at ikaw ay bibigyan ko ng payo sa iyong problema.  Ano ang iyong problema ba?

TV contestant:  Bakla po ako.

Vice Ganda:  O eh ano ngayon?

TV contestant:  Byernes po.

    *     *     *     *     *

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on July 6, 2015, in Uncategorized. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: