AT ANG NAGWAGI SA PAGKA-PANGULO AY…………

presidential election

Kung tatanungin mo ang mga kandidato sa pagka pangulo kung sila ay lamang na, bawat isa ay magsasabi  na sila ang mananalo.  Pero kung tya-tyagain mo namang makinig sa taong bayan kung sino gusto nila, ang mga lumalabas sa survey ay parang magandang batayan.

Marami ang nagsasabi na lamang na ang Senadora  Grace Poe.  Ito ay galing sa mga taong mahilig makinig sa news.  Si Grace kasi ang palaging pinag-uusapan dahil sa kontrobersya ng kanyang kwalipikasyon.  Alam naman natin na ang Pinoy ay mahilig kumampi sa mga ina-api at idinidiin.  Bukod diyan, si Grace ay medyo malinis kung ikukumpara kay VP Binay, kung susuriin natin ang mga issues.  Lamang din sya kay Mayor Duterte kasi wala siyang yabang at wala ding maipagyabang.  Lalo na kung ikumpara siya kay Secretary Mar.  Tagilid nga lang si Grace kay Senadora Miriam at ito naman ay aminado siya.  Yun nga lang si Miriam ay naging talunan noong panahong nanalo si President Fidel Ramos, kaya ubos na bertud kung tutuusin.  Wala kasing nanalong Presidente na talunan noong araw pa.

Ganyan din ang kalagayan ni VP Binay.  Yun nga lang medyo madugo ang mga binibintang sa kanya.  Kung sisiraan ang isang tao, paratangan mo ng pagnanakaw at tyak, miski na mapatunayang malinis sya, ang bintang na masama ay nakadikit pa rin sa pangalan niya.  Mapagbintangan ka nang magulo at mahilig sa  basag ulo, lahat iyan makakalimutan, pero ang pagnanakaw, medyo mahirap depensahan.  Sa ganyang sitwasyon ang boto ng Binay ay malamang malusaw, maliban lang sa ilang nakinabang sa ilang programang kapaki-pakinabang naman nung sya ay mayor pa ng Makati.

Sa panig naman ng  Mayor Duterte, oks lang daw kung ano kaganapan.  Manalo siya, swerte daw ang bansa, matalo naman, eh di wow pa rin ang Davao, hindi maaagaw ang pansin sa pamamalakad sa Davao, kaya pirmis pa rin.  Oo nga at madaming bilib kay Duterte lalo na at inayos nya ang peace and order at ekonimiya ng Davao na kaya din niyang palawakin ito sa buong kapuluan.  Ito ay kung siya nga ang lalabas na panalo sa Picos machine.  Alam naman natin na ang gadget kapag biglaang nawalang ng power, tyak magluluko.  Ganyan ang sitwasyon sa buong bansa, laging may brown out.  Di umano may upgrade na gagawin, o di kaya may nagpasabog ng tower, o may distributor na nagloko, lahat yan ay eksena para mabago ang galaw ng makinaryang bumibilang ng boto.

At ang dating DILG Secretary Mar Roxas nga pala.  Nasa kanya na siguro lahat ng sangkap para makilala at mai-luklok ng boto.  Ang lolo niya, si Manuel Roxas, ay dating Pangulo ng ating bansa.  Ang tatay niya, si Senator Gerry Roxas, isa sa mga pinagpipitagang lider oposisyon at isa sa mga bantayog ng senado.  Ang nanay niya ay membro ng mga elitistang Araneta, na kung saan sila ang may ari ng kolosal na Araneta Coliseium sa Cubao, bukod sa libo-libong ektaryang lupain sa Visayas.  Dahil sa ganitong kuneksyon, siya laging naluluklok na pinuno ng departamento ng bawat halal na presidente ng ating bansa.  Hindi siya nawawalan ng katungkulan.  Maliban dito, sya ay nahalal pa sa senado at naging lider ng partido sa pulitika.  Kamakailan ay nasa news siya dahil sa kasal niya sa isang beteranong media personality, ang Korina Sanchez.  Nasa kanya na lahat, ika nga.  Pero pawang walang bilang ito sa ordinaryong mamamayan, silang nakararami sa botohan.

Ang kapalaran ng Mar Roxas ay nasa bituin nya.  Palibhasa natalo na siya sa pagtakbo bilang bise presidente noon nakaraang eleksyon, lalo na ang ambisyunin pa ang pagka pangulo.  Kung bagaman sa boxing, may panalo pa ba ang isang boksingero na natalo sa middle weight division, pero sa sumunod na pagkakataon gusto pang hamunin ang heavyweight crown?

Andyan pa ang matikas na Senator Miriam Defensor-Santiago.  Medyo nagulo lang ang balahibo ng ilang progresibong botante, karamihan sa mga unibersidad, dahil sa desisyon ng Madam Miriam na kunin niyang partner bilang bise president ang Bongbong Marcos.  Pamandin si Bongbong ang siyang kumakatawan sa isang kaso na kung saan pinipigil ang nakaw na yaman na maibahagi sa mga naging biktima ng martial law.

Palibhasa pawang mga senior citizen na lamang ang nakaka alam sa mga nangyari noong araw, kaya ang  pagkandidato sa bise ni Bongbong ay walang gaanong kumokontra.  Miski na ang pinaka malapit na katunggali nya na si Chiz Escudero ay pawang kakampi.  Ang ama ng Chiz ay dating tauhan ng tatay ng Bongbong noong araw.

Sa aking panaginip, ang nanalo sa pagka pangulo ay si Rodrigo Duterte.  Yun nga lang, nung ibinabalita ng Comelec ang kaganapan, biglang nawalan ng kuryente.  Dun ako nagising!

 

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on March 19, 2016, in Uncategorized. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: