PAMBABASTOS IN THE PHILIPPINE SETTING

pambabastos

Ilang linggo ang nakaraan nang mabalitaan natin na isang estudyante ng UP Los Banos ay nagtatago ngayon sa takot.  Ito ay sa dahilan na habang nasa open forum ito, binastos niya ang kanilang guest speaker na si Mayor Rodrigo Duterte.  Matapos niyang tanungin ang Mayor kung ano ang importante, pondo ba sa edukasyon o pondo sa pagbili ng baril, habang nagpapaliwanag ang Mayor ay bigla na lang  niyang siningitan ng salitang, “deretsohin mo na sagot, para maka uwi ka na agad.”  Something to that effect.  Eh, hindi lang walang pag galang ang ganung salita,ito ay pambabara na.   Bukod sa naghahanap ito ng away, ito ay isang mariing pambabastos na.  Katumbas ito ng isang  paghahamon.

Sa kagustuhan siguro ng estudyanteng umepal at mag paandar, magmukhang aktibista at matapang, ang mambastos ang kanyang paraan para makilala.  Di ba’t binugbog kamakailan sa UP ang Budget Secretary Butch Abad nang ito ay maging guest speaker din?  Isa itong larawan ng kilos kabastusan.  Sa situation ng estudyante na nambara kay Mayor Duterte,  walang halong violence ang naganap pero masakit lang sa tenga.

Hindi ito naging maganda sa pandinig ng karamihan sa mga nakatutok lalo na ang mga netizens.  Karamihan ay nag-react ng negatibo laban sa estudyante.  Anjan ka na gawan siya ng nitso sa FB at ilang meme, bagay na ikinabahala niya kaya biglaan nyang binura ang  kanyang FB account ,sabay tago.

Gayun din ang ilan sa mga nakasubaybay sa ganung open forum ay pawang nabastusan sa inasal ng estudyante.   Ito daw ay walang modo, pangit ang asal at bastos.  Hindi maganda sa panlasa ang barahin ng isang teen-ager ang isang senior citizen na nagpapa unlak lang sa imbitasyon.

Andun na tayo sa reaksyon ng Mayor na madali nyang sinabi na “I may not agree with what he is saying but I will defend his right to say it.” Ala Voltaire ang mga kataga.   Pero sa karamihan, oo nga at may karapatan ang isang tao na sabihin nya ang gusto niyang ihayag, hindi naman ito papayagan o sasang-ayunan ninuman kung sa paraan ng pagsasabi, ito ay mambabastos.  Magka iba yun.

Tyak siguro yun estudyante baka mapa away din kung siya ay babastusin, o di kaya ang kanya mismong  kapamilya o kaibigan ang bastusin.

Diyan natin makikita ang Pinoy na hindi basta binabastos.  O hindi basta-basta pinapayagan ang pambabastos.

Sa Pinas, hindi pinapalagpas ang ganitong ugali.  Ewan ko nga ba kung bakit.  Pero kung susuriin mo ilang mga kaso ng pagpatay, karamihan dito ay sa kadahilanan ng pambabastos.  Ang expression na “parang nakakalalaki” ay dito nagmula sa isang galaw na tinuturing na pambabastos.  Galit ang Pinoy sa ganyang magaspang na kilos, maliban lang kung ito ay nagpapatawa lang.

Tumingin ka nga lang ng masama, o di kaya pagtawanan mo isang tao hindi mo kaano-ano, away na kasunod niyan.  Swerte na lang kung mauwi sa suntukan ang ganitong bagay.  Pag may dalang matalas ang isa, tyak may madadala sa emergency room sa ilang sandal lang.  Ganyan ang Pinoy kapag nabastos.

Sa isang probinsiya, merong magkapitbahay na hindi nagkasundo sa parada ng kanilang sasakyan.  Ipinarada yata nung isa ang kotse niya sa harap ng bahay ng katapat niya.  Lumabas ng bahay yun tao, parang nabastusan sa ginawang pagharang at ayun pinagbabaril si kapitbahay!

Kadugtong na rin itong kaugaliang ito ang madaling mapikon.  Sa isang pikon, ang isang kilos na hindi maganda ay pambabastos na.

Ang Pinoy ay mahaba ang pasensiya.  Pede siyang goyoin, estapahin o lokohin, matatawa din siya sa kanyang pagkakamali, natatawa din siya sa sarili niya, kaya naman siya ay lubhang mahiyain at maingat.  Miski na kamo makapal pa ang kanyang mukha, mahiyain pa rin siya.  Alam niya kung siya ay sumosobra na.  At kung sasadyain naman na sumobra o parang mag OA,  ito ay para magpa kengkoy lang.  Bihira, maliban lang kung may diperensiya sa ulo, ang hayagang mambastos.

Ang lipunang ginagalawan ng Pinoy ay sadyang disente at maunawain.  Ganyan ang gusto niyang kapaligiran.  Ganyang klaseng environment ang gusto nyang tirahan in the first place.  Gagawin nya lahat ng paraan para mapanatili ang kapayapaan.   Mahaba din ang kanyang pisi.  Matiisin, mapang unawa, mapag bigay, may kusa, mapag mahal, maalahanin, so on and so forth.  Mahirap man o mayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki, edukado man o hindi, malusog man o sakitin, malakas man o mahina, lahat sila ay may gusto ng katahimikan at madaling maapektuhan ng pambabastos.

Kaya naman ilang bansa na sumakop sa Pinas at okay lang.  Pero haluan ito ng pambabastos, gera na!

Sa ibang bansa, iba ang kultura at iba din ang kaugalian.  Sa bansang Japan,  ang taong napahiya ay nagpapakamatay.  Tawag nila dito ay Harakiri o Sepuku.   Dito saten, yun napahiya pa gumagawa ng away!  Sa Amerika, bale wala ang pambabastos.  Doon pag isang bisita dumating ng alanganin, halimbawa oras ng pananghalian, si bisita ay pag-aantayin hanggang sa matapos kumain ang binibisita.  Dito mo gawin yun, ang dating niyan ay pambabastos na.  Sa Europa, maghubad sa kalye, walang papansin maliban lang sa mga alagad ng batas.  Dito saten, maghubad ka lang ng pangtaas na damit  pede ka ng ratratan ng mga sugo ng otoridad dahil sa kabastusan.

Ang salitang respeto o pag galang ay napaka halaga sa bayan ni Juan.  Tanggalin mo ito o sadyain mo lang itabi, meron ka ng PAGLALAGYAN.  Kung bagaman sa kumot, pede ka nang itiklop at madali nang ILIGPIT.

Yan si Juan, ganyan ang PINOY.

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on March 23, 2016, in Uncategorized. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: