LAST FULL SHOW

last full show

Kung bagaman sa sinehan, ang huling programa sa gabi ay tinatawag na “Last Full Show.”  Pagkatapos nyan ay uwian na at ang teatro naman ay magsasara na.  Ganyan din ang sitwasyon ng tao.  Pagdating sa edad na 50 pataas, lalo na yun nasa mahigit ng 60 (gaya ko at sampu ng aking mga kaibigan, colleague dati sa trabaho at mga kaklase) nasa kalagayang “last full show” na rin.

Masuerte ang umabot ng lagpas 60, lalo nay un nasa  edad na 70 o mahigit sa 80.  Yun nasa 90 pataas, miski na malakas at maayos pa ang pangagatawan, andiyan naman ang mga degenerative ailments sa nerves at brain o yun tinatawag na Alzeimers or pagiging malilimutin.  Talagang hanggang diyan na talaga ang tao.  Meron exceptional pero generally speaking walang lumalagpas ng 90, kalimitan nga lang nasa linya ng 60 at 70.

Matapos ang ganitong serye, panibagong henerasyon naman ang pumapalit.  Nasa ala-ala na lang nabubuhay ang mga punanaw.

Maliban lang sa mga drug pushers!

Mga sumakabilang buhay ng bata pa ay puro sa aksidente or malubhang sakit.  Andiyan si John Lennon, napaslang sa edad na 40.  Si Elvis Presley naman namatay sa edad na 44 naatake sa puso.  Si Michael Jackson sa edad na 50 nasobrahan sa gamut.  Si Paul Walker, magaling na artista na gumanap na race car driver sa Fast and Furious, namatay sa edad na 40 sa aksidente ng sasakyan.  Si Amy Winehouse, 5 beses nagawaran ng Grammy Awards, namatay sa edad na 27 sa pag  inom ng alak.  Baka panis yung nainom na alak!

Swerte si Dolphy dahil sa edad na 84 siya pumanaw.  Hindi katulad ni Diomedes Maturan, ang Perry Como ng Piipinas, sa edad na 62 inatake na sa puso.  Si Jess Lapid, kasagsagan ng pagkakilala sa kanya bilang action star ay napaslang sa edad na 35.

Si Bruce Lee, namatay sa pag inom ng sobrang gamut sa edad na 32, sa kasagsagan ng kanyang pagka sikat sa pelikula.  Si Steve Jobs pumanaw sa edad na 56 habang siya ang kinikilalang bantog na imbentor ng Apple at mga programa sa internet na nagpalaganap ng malawakang kaalaman para sa mga nilalang ng mundo.  Si Heath Ledger, bantog na batang artista ay pumanaw sa edad na 28.  At  marami pang iba kabilang na rin ang Mahal na Hesu Kristo sa edad na 33 at si Gat Jose Rizal sa ganung edad din.

Ang kasalukuyang henerasyon ay napaka -swerte.  Noong araw, kapag umabot 50 ang isang tao ay kahanga-hanga na.  Ngayon normal lang na umabot hanggang 80 pataas.  Kasalukuyan din nalilibang ang karamihan sa dami ng kaalaman na nakatago at napakahirap tuklasin noong araw.  Ngayon pupuntahan mo lang ang YouTube at ituturo na lahat ng gusto mong gawin at gusto mong linawin o gusto mong panoorin o pakinggan.  Kung gusto mo naman alamin ang isang komplikadong bagay, hindi ka na dapat pumunta sa ibat ibang lugar para mag library o magsaliksik, sa internet lang Google, meron ka na kagad ideya kung ano ang iyong sinasaliksik.

Ang kaalaman ay madaling ng matuklasan.  Halos wala ng sikreto sa ating mundo.  Nabawasan na rin ang misteryong bumabalot sa ating mga paniniwala at natira na lang ay mga pawang ritwal at tradisyon.

Mahirap tumanda noong araw.  Ngayon ang pagtanda ay puno ng adventures at kasiyahan.  Miski na sabihin pa na “Last full show” puno pa rin ito ng excitements at thrills.  Noong araw ang palabas ay mabagal at malabo pa.  Ngayon, bukod sa High Definition, ang lahat ng projections ay favorable sa senses, at madaling maunawaan at nabibigyan pa ang karampatang respeto ang isipan.  Meron pa ngang tinagurian virtual reality.  Halos wala ng komplikado sa panahon ngayon.

Kung sa kaalaman lang and pinag uusapan, ang nabubuhay sa ngayong panahon ay halos alam na rin ang buod ng kaganapan sa darating na 500 taon pa.  Kaya ang “last full show” ay masasabing “the show must go on!” pa rin.

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on August 30, 2016, in Uncategorized. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: