HUMAN RIGHTS

human rights

Noong  taon 1989, ang bahay namin sa Quezon City ay pinasok ng mga  masasamang tao at ang nakakalungkot pa ay dinatnan nila doon ang nanay ko na mag-isa lang.  Itinali nila ang kamay ng magulang ko sa pamamagitan ng lubid na nylon na parang hayop na mabangis, ang mata ay piniringan, hinalughug ang buong kabahayan at pagkatapos nito ay walang habas na pinagsasaksak ng 17 beses hanggang sa mawalan ng hininga ang kanilang dinatnan.  Pumanaw si nanay sa edad na 59.  Wala siyang kagalit at bihira lang lumabas ng bahay.  Siya ay sakitin at  kagagaling lang sa pagka-stroke, kaya mahina pa, hindi makatayo, pabulong pa ang boses at malabo ang paningin.  Anong klaseng tao, kung tao man into, ang gagawa ng ganung bagay.  Kung sana ay nanlaban ang nanay ko, o di kaya ay sumigaw o tumakbo maari pang nagalit ang mga salarin.  Sa aking pagsusuri, may kinalaman sa ganitong pagkakataon ang pagkalulong sa droga ng mga gumawa nito.

Saglit lang nabanggit ang pangyayari sa pahayagan.  Wala man lang ni isang taga gobyerno, taga Human Rights Office man lang, mga relihiyosong grupo na nagpahayag ng pagkagulat o pagkabahala sa naganap.  Maliban lang sa aming pamilya at ilang kaibigan, kami ay lubos na naulila.  Halos mistulang pulubi ako na nanlilimos ng tulong sa pulisya samantalang sa gobyerno na ako nagtatrabaho.    May konting gumalaw pero mas lamang pa ang maka-awa kaysa sa pagkilos.  Sa madaling salita, wala din nangyari.  Nailibing ang nanay ko sa gitna ng pighati, at nailibing na rin sa limot ang karumaldumal na pangyayari sa talaan ng krimen sa pulisya.

Ilang araw ang nakaraan ng mabalitaan ko naman na may mga napaslang na tao kalapit sa aming lugar.  Limang kabataang lalaking tadtad ng tattoo ang katawan, gusgusin ang damit ang nakabulagta sa gitna ng kalye.  Silang lima ay tatad din ng sasak sa ulo, katawan at paanan at nangangamoy alak pa.  Nakakalat din sa paligid nila ang 3 itak,2 sumpak,bungkos ng tali at ilang pitaka na may ibat ibang ID.  Sila tumutugon sa ilang descriptions ng mga taong uma-aligid sa aming lugar tuwing madaling araw.  Ito ay pinatotohanan ng ilang mga kapitbahay namin na may tindahan dahil gising na sila sa ganun oras.  Wala nga lang makapagturo kung itong mga napaslang man ang may kinalaman sa krimen na naganap sa amin.

Umani ito ang sari-saring reaksyon sa sambayanan. Madaming nagimbal at nabahala.   Noon ko lang nalaman na talagang may Commission of Human Rights pala.  Alarmado sila sa nangyari.   Noon ko rin napagmasdan na may aktibong pulisya sa aming lugar.  Napag alaman ko rin na may Barangay pala na nangangasiwa ng katahimikan sa aming distrito.  Halos nasa pahayagan at telebisyon ang nangyari.  Madaming naawa sa limang  katao na mukhang homeless.  Madaming aktibista ang nagalit sa pamahalaan dahil ito aniya ay example ng salvaging na naman.  Mga taga simbahan ay nagdagsaan para ipagdasal ang mga napaslang sa lansangan.  At dahil sa meron TV coverage, may biglang nagpakitang pari na kunway nagbabasbas sa lugar.

Ang lipunan natin nga naman.

Sa kasalukuyan bagamat ilang taon na ang nakakalipas, nararamdaman ko pa rin ang sitwasyon ng kapwa ko biktima ng karumaldumal na krimen.  Kahit na hindi pa sabihing grabe, basta krimen.  Karamihan sa ating mga mamamayan ay naging biktima na ng krimen at ang ilan, hindi na siguro masugpo, ay ninais na rin sumama  na  sa sindikato at gumawa na rin ng krimen.  Sabi nga if you cannot beat them, join them.  Pero napakarami pa rin ang may konsyesiyang mamamayan ang ipagkikibit na lang ng balikat ang nangyari sa kanila, magdarasal na lang na makarma tumira sa kanila o magiging sobra ingat sa lahat ng bagay to the point na wala na siyang magawang kahanga-hanga.

Lumalabas sa mga nagaganap na pangyayari ay mga pabaya ang mga nagiging biktima.  Parang sila pa ang may kasalanan.  May magnanakaw daw kasi naman meron mananakaw.  May namamatay kasi mahina sila at hindi kayang ipagtanggol ang sarili.  May nare-rape dahil hindi maingat.  May naloloko dahil hindi nakakaintindi.  Para bang ang lipunan ay sadyang itinayo para sa mga malulupit at walang habas sa pagmamalabis sa kapwa.

May mga pulitikong halos ay ganyan na ang kaisipan.

Kaya naman kung may pagkakataon sa ating kasaysayan na may magtanggol o isulong ang isang himagsikan, panibagong liderato man ito o vigilante, na lipulin ang masasamang tao—- silang sira na ang pag iisip, wala na halos konsyensiya, parang zombie;  ang ganitong paghihiganti ay tiyak na igagalang at hahangaan ng karamihan ng taong bayan—- silang mga tahimik, silang mga walang kibo, silang gumaganap ng parehas at tama sa ating lipunan.  Sila ang nakararami bagamat hindi nga lang sila ang malalakas ang boses.

Ano pa’t umaabot na sa libo-libong namamatay dahil sa may kaugnayan sa droga ay lihim ito na  kinatutuwa ng madlang lipunan.  Meron din naman nalulungkot lalo na yun hindi pa nabibiktima.  O di kaya ang hanap buhay nila ay asikasuhin ang makasalanan.  Pero gaya ko  o kaming nakararami na mamamayan, ang himagsikan na sinimulan ng kasalukuyang gobyerno ay sapat na para maramdaman ang hustisyang aming sinisipat-sipat.

Totoong may kinalaman ang pagkamatay o pagkalagas ng hanay ng mga nagdodroga sa pagbaba ng bilang sa krimen.  Sino nga naman ang pupugot ng ulo ng kapitbahay mo kundi yun lulon sa bawag na gamut;  maliban lang kung katabi ng bahay mo ang kampo ng Abu Sayaf o di kaya nasa kalapit mo ang isang nagbabakasyon galing Syria na membro ng ISIS!

Kaya naman nasa tamang daan ang tinatahak ng ating gobyerno.

Human Rights?  Sa totoo lang, ito ay dapat para sa mga humans lang.  Pero kung umaastang hindi tao ang isang mukhang nilalang, nararapat lang bilang karapatan ng isang tao ang ipagtanggol ang sarili laban sa mga pwersa na hindi na gumagalang sa kapwa tao.  Kung mamarapatin nga lang ang dapat gumanap bilang kawani ng Commission of Human Rights ay mga membro ng vigilante ng sa ganon mapangalagaan nila ang kapakanan ng lahat ng mamamayan laban sa mga kriminal.

Yan ang tunay na Human Rights!

 

Advertisements

About vjtesoro

A perpetual student of Corrections

Posted on August 31, 2016, in Uncategorized. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: