Blog Archives

THE CORRECTIONAL SETTING

bucor2

Whenever there is dearth on news to banner, media traditionally would flock in prisons and jails.  The National Penitentiary is always at their cross hair.  It is here where news, sensational ones, is to be grabbed.  Even a small incident can be blown out of proportion and media followers would surely get their comeuppance.  Every corner, every criminal profile is a sure fire formula not wanting for an audience.  Writing something about prison is always a best seller.

*****

A few days ago, 13 detainees—all undergoing trial for heinous crime, bolted Sagoy Jail in Ilo-ilo. They overwhelmed the custodial personnel.    Thereafter, two prison guards in the National Penitentiary were hacked by a wayward inmate.  These are but a few recent cases where prison personnel have to confront the hazards of their profession.  They should be alert at all times, never to bring down their guard so to speak and of course, armed with the necessary security gadgets to protect their exposed bodies from sudden, treacherous attack.  Here they must buy a vest, a tazer (stun gun) and a tear gas canister, to name a few.  I say buy because there is no budget for these items.  The vest alone could cost almost P10K.  To be protected therefore from instant violence means a guard must fork out something like 30K for his personal welfare.

*****

Every error in correctional administration is oftentimes blamed on its custodial personnel.  While administrators would fail to get the usual logistical support from government because there is little fund as appropriation, the lowly guards must have to contend with what they have.  But prisoners are growing more sophisticated due to their gang support and “education.”  From this equation, the prison personnel are already at a disadvantage.  While gangs have the muscle and resources to sow fear and bribe their way, the prison guards, on the other hand, have to scrimp to enforce institutional control.  At the end of the day, it is the gangs dictating the tempo and in some penal establishments, prison administration merely serves as on-looker on how correctional facilities are governed.

*****

Gangs have a tendency to buy officers to sustain their operations.  Officers who are at the forefront have choices to make.  Accepting grease money means a smooth performance, no untoward molestation, less stressful and a hassle free exposure in the prison camp.  But of course, this is unacceptable and defies the principle of integrity in public service.  On the other side of the coin, ignoring or declining the offer would mean that gangs are left to contract a hired hit man or a professional complainant to scandalize the officer in media using the money previously dangled.  In which case, the officer faced and mired in controversy, will have no choice but seek refuge elsewhere.  Either he must resign out of embarrassment or blame himself until depression maims him.  These are but a few of the hazards and challenges of his profession.

*****

Working in prison is a demanding exercise.  Prison means control.  Prison workers must control and provide an air of discipline in a highly totalitarian regime of the prison community.  They must read the behavior of the inmates and the community as a whole.  Like weathermen, officers must know that there is a lull before a storm.  An unusual silent prison environment means a high probability that violence is to erupt.  We speak here of a situation where the prison community is not filled to the brim.  A congested facility however is a perfect mixture of trouble.  Only a single fuse, like a spat, could trigger carnage.  Only a few could survive prison service and usually, these are the people who can think ahead and anticipate the collective requirements of the incarcerated humanity.  The demand is on one’s mind indeed.

*****

 

 

PRESIDENT NOYNOY AQUINO’S SPEECH ON BUCOR ROADMAP

Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa paglulunsad ng Bureau of Corrections Roadmap

[Inihayag sa New Bilibid Prison, Lungsod ng Muntinlupa noong ika-27 ng Enero 2012]

Kapag nabanggit ang salitang Bilibid, tila ang unang pumapasok sa isip ng marami nating kababayan ay mga imahe mula sa mga Pinoy action films: mga grupo ng kalalakihang burdado ng tattoo, nagsisiksikan sa isang dipang selda, at araw-araw na nakikipag-riot. Kapag sinabing Bilibid, para bang nakakulong na rin dito ang kawalang-pag-asang makalaya ang mga bilanggo, hindi lamang mula sa matataas na pader ng piitan, kundi maging sa panghuhusga ng lipunan.

Ngayong hapon, babaguhin natin ang pagtingin na ito. Sa paglulunsad natin ng Bureau of Corrections Roadmap, itutulak natin ang ating sistemang koreksyonal tungo sa tuwid na daan, kung saan ang tanging layunin ng Bilibid at ng lahat ng bilangguan sa Pilipinas, ay ang tiyakin ang makabuluhang rehabilitasyon at pagbabagong buhay ng mga bilanggo, upang sila ay maging handa sa kanilang pagbabalik bilang bahagi ng kalakhang lipunan.

Binabati ko ang bawat gwardiya, warden, at ang lahat ng bumubuo ng BuCor, at nagpapasalamat ako lalung-lalo kay Director Gaudencio Pangilinan, sa kaniyang maayos na pamumuno, at sa pagbubukas ng bagong pananalig sa mga bilanggo at sa kanilang mga pamilya. Sa kabila ng bigat ng iyong responsibilidad; sa kabila ng mga hamon na araw-araw mong kinakaharap, patuloy kang naninindigan para itaguyod ang kapakanan ng mga kababayan nating nasa loob ng bilangguan.

Nais rin nating bigyang-pagkilala ang mga magiging bahagi ng BuCor Board of Advisers mula sa iba’t ibang sector. Batid natin kung gaano kahalaga ang bawat minuto sa mga personalidad na kasama natin ngayon at ang pagtanggap nila sa panibagong responsibilidad ay patunay sa kanilang wagas na hangaring maging kabalikat ng pamahalaan sa pagdudulot ng pagbabago sa ating bayan. Kayo ang magbibigay ng bagong perspektiba sa mga bagay na dati ay nakakaligtaan sa ating sistemang koreksyonal, mula sa kaisipan ng bawat gwardya’t warden, hanggang sa iba’t ibang mga pangangailangan ng mga bilanggo. Buo ang tiwala kong magagampanan ninyo ang inyong tungkulin nang may dedikasyon at katapatan, upang sa lalong madaling panahon, matagumpay nating mabago, hindi lamang ang mismong sistemang koreksyonal ng Pilipinas, kundi maging ang pagtanaw ng ilang mamamayan sa kanilang kapwa Pilipino na nasa loob ng bilangguan.

Dito nagbubukal ang ating hangaring isulong ang malawakang reporma sa ating sistemang koreksyonal. Kung may nagkasala, maparurusahan siya ayon sa kaniyang hatol, subalit kikilalanin pa rin natin ang kaniyang karapatang pantao, kaya magiging patas, at makatarungan tayo ho tayo. Pananagutan niya ito sa loob ng bilanguan—hindi sa impyerno; hindi sa purgatoryo. Layon nating tapusin na ang araw ng mga seldang maihahambing sa lata po ng sardinas. Hangad nating wakasan na ang pambabalewala sa kalusugan at karapatan ng mga nakabilanggo. Nais nating putulin na ang talamak na kuntsabahan at palakasan ng mga may impluwensyang tao.

Siyam na libo lang po dapat ang kapasidad ng New Bilibid Prison, subalit sa kasalukuyan, humigit kumulang dalawampung libong katao po ang nakakulong dito. Ibig sabihin, ang seldang panlimang tao, labindalawa o labintatlo ang nagsisiksikan dito. Ang isang pirasong isda na sapat lang dapat na pananghalian ng isa, paghahatian pa ng tatlong magkakakosa. Kaya naman kasalukuyan nang inaayos ang planong paglilipat ng New Bilibid Prison sa mas angkop na lokasyon upang ang NBP ay maging isang mas malawak at mas epektibong koreksyonal na pasilidad. Pinag-aaralan na lamang po kung saan pansamantalang ililipat ang ilang bilanggo, upang mas maging maayos ang kanilang pagpasok sa kanilang bagong tahanan. Nagpapatayo na rin ng mga karagdagang gusali sa mga kulungan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Hindi ito katulad ng mga kontrobersyal na kubol na pinapatayo at tinutuluyan lamang ng mga may mga kayang inmates. Sa halip, magagamit na ito ng kahit sinong bilanggo—mayaman man o mahirap—sang-ayon sa pamantayang inilatag ng tanggapan. Samakatuwid, BuCor mismo ang may kakayahang magdikta kung kailan ito maaaring gamitin at kung sino ang gagamit nito.

Maliban dito, sinisimulan na ring ilipat sa ibang pasilidad gaya ng PMA ang mga bilanggong malapit nang lumaya upang magsilbing maintenance workforce. Habang nababawasan nito ang pagsisiksikan sa mga selda, nagsisilbing lunsaran rin ito ng mga bilanggo upang maihanda sila sa mga hamon na kakaharapin nila sa kanilang paglaya. Nakatutok rin tayo sa kanilang kalusugan at nutrisyon, kaya naman dumadaan sa tamang proseso ang pagpili sa kung sino ang maghahanda ng sapat at masustansyang pagkain ng mga bilanggo. Higit sa lahat, patuloy tayong naglulunsad ng iba’t ibang programang pangkabuhayan sa mga kulungan na maaari nilang kapulutan ng bagong mga abilidad at karunungan. Layon kasi nating masiguro na sa kanilang paglaya, handa at may kakayahan silang sumabay sa agos ng lipunan sa produktibo, malusog, at tuwid na paraan.

Sa isang pagpupulong, nakarating din sa akin ang balitang may mga presong tapos na dapat ang sintensya, at matagal nang dapat ay nakalaya, subalit nakakulong pa rin sila. Ang dahilan: nakasulat pa rin sa mga index cards ang ilang datos sa kanilang hatol, nadodoktor ang mga dokumento dahil walang maayos na sistema, at nagkukulang sa koordinasyon ang mga tanggapang dapat ay nag-aasikaso dito. Bilang tugon, inatasan na natin ang DOJ para madaliin ang pagpasok ng mga datos at impormasyong isasama sa National Justice Information System, na siyang magsisilbing database na lilikom at magtutugma sa mga impormasyon mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, masisiguro nating malinaw at mas madaling mahanap ang mga impormasyong hinahagilap ng ibang katuwang na tanggapan. Higit sa lahat, maiiwasan din ang pagdodoktor sa mga dokumento ukol sa sentensya ng mga bilanggo. Samakatuwid, kung anim na taon ang sentensya kay Pedro, sa ikaanim na taon siya mismo lalaya; walang labis, walang kulang.

Siyempre, mahirap isakatuparan ito kung wala namang sapat na gamit, at hindi naman dumadaan sa angkop na pagsasanay ang ating mga gwardiya at warden. Ito ang dahilan kung bakit itinutulak natin ang BuCor Modernization Bill upang madagdagan pa ang kakayahan ng mga nangangalaga sa ating mga bilangguan. Mahalaga ring magkaroon ng regular na reorientation ang mga gwardya at warden upang ipaalala ang kanilang tungkuling maging responsableng gabay—ulitin ko po: mga responsableng gabay—ng mga bilanggo, sa halip na ituring silang kaaway.

Simple lamang ang batayang prinsipyo ng BuCor Roadmap: reporma sa kaisipan at buhay ng mga kababayan nating nasa bilangguan. Dahil kung pagbabago sa lipunan ang hangad natin—kung pagbabago ng mga nakabilanggo ang nais nating gawin—kailangan nating magsakripisyo at magtulungan, upang hubugin ang ating mga bilangguan tungo sa pagiging isang epektibo at modernong sistemang koreksyonal. Mahalagang mangyari ito dahil ang hustisya ay hindi nagtatapos sa parusa. Bagkus, dapat itong maging bukal ng pag-asa. Ito nga po mismo ang magiging bagong mukha ng Bilibid—Pag-asa.  

Pag-asa, na pagkatapos nilang pagbayaran ang maling nagawa nila sa nakaraan, may pagkakataon silang magkaroon ng maayos na trabaho at disenteng pagkakakitaan dahil handa na silang humakbang tungo sa kanilang bagong buhay at kinabukasan. Pag-asang muli silang magiging bahagi ng ating lipunan, at mabibigyan ng pagkakataon para maging isang kapakipakinabang at produktibong Pilipino. Ito ang bagong pag-asang hatid ng Bilibid; ito ang pag-asang hatid ng ating sistemang koreksyonal; ito ang pag-asa—ito ang pagbabago—na ipinangako natin noon, na tinutupad natin ngayon, bilang isang makatarungan, maunlad at makataong bansa, sa tuwid na daan.

Magadang hapon po sa lahat at maraming salamat po.

 

%d bloggers like this: